NAGLABAS ng kanyang saloobin si Judy Ann Santos tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN after she accepted her A-Listers award sa 4th Ambassador’s Night ng Film Development Council of the Philippines.
“Ayoko siyang isipin. Kasi, ang dami nang nag-iisip sa kanya, e,” sabay tawa ni Juday. But seriously, may nararamdaman siyang kalungkutan kung hindi mare-renew ang prangkisa ng Kapamilya network.
“Marami naman talagang mawawalan ng trabaho, if that happens. I’m just praying that the government, you know, pag-isipan. Kung pwede pa mabigyan ng isa pang pagkakataon. Meron naman talagang dapat ayusin. And, we will all respect kung ano ‘yung mangyayari,” Juday said.
Naaawa si Juday sa mga taong mawawalan ng trabaho kapag ‘di na-renew ang franchise ng network.
“Kasi, hindi lang ito daan. Libu-libong tao ang nabuhay at nabigyan ng maayos na buhay ng ABS-CBN. I just hope the government can find it in their hearts to consider, the renewal. Lahat naman pwedeng madaan sa maayos na usapan,” aniya pa.
May mga lumabas na petition letter na layuning makakuha ng maraming signature para sa renewal ng franchise ng Dos. Tinanong namin si Juday kung willing ba siyang pumirma rito, “Ako, if only for the people who works for ABS? Of course!”
Katwiran niya, she’s been working for ABS-CBN since she was 12, “So, malapit na malapit, obviously, sa puso ko ang ABS. At ako na yata ang pinaka-loyal na talent ng ABS. Ha-hahaha. Pero siyempre, may mga pag-iimbot din naman ako kung minsan, di ba? Yung mga, tampo-tampo. Hindi naman nawawala yan,” pag-amin ni Juday.
Kabilang si Juday nabigyan ng award sa kategoryang A-Listers sa Ambassador’s Night ng FDCP dahil sa pagkakapanalo niya ng international acting award para sa pelikulang “Mindanao.”
Bukod kay Juday, nasa listahan din ng A-Lister’s ang pelikulang “Aswang” ni Alyx Ayn Arumpac, Jun Lana para sa “Kalel, 15,” ang “Mindanao” directed and produced by Brillante Mendoza at “Verdict” ni Raymund Ribay Gutierrez.
“Ang bigat niya, ha!” natatawang sabi ni Juday habang hawak ang kanyang award from FDCP. Inamin niyang na-tense siya when she accepted her award.
“Alam mo ‘yung pakiramdam na kapag talagang mahal mo ‘yung gusto mong gawin, at mahal mo ‘yung ginagalawan mong mundo. Hindi ka maglalabas ng effort para magtrabaho. Kusa siyang lalabas. And, ngayon ko na-realize na dapat pala noon pa lang ganito na ang ginawa ko. Ha-hahaha!” ani Juday.
On a lighter note, bago mag-Valentine’s Day ay nasabi sa amin ni Juday na simple lang silang mag-celebrate ni Ryan Agoncillo ng Valentine’s Day.
“Kasi, ang traffic. Puno lahat ng restaurants. Sa bahay lang kami, normally. I’ll just cook for something, for the two of us. Something, na ni hindi normal na niluluto ko tuwing hapunan. Espesyal. May mga paandar na bulaklak, ganyan.
“But Ryan is, from the very first time that we went out on a date, always ‘yan, may flowers on Valentine’s, ayun. ‘Yung little things na ganoon, really means a lot,” aniya pa.
Pero may kakaibang kilig pa rin daw sa kanya ang Valentine’s Day, “Masu-surprise ka pa rin sa kanya (Ryan). He knows how to make you feel really, really special,” kasunod ang matamis na ngiti ni Juday.