‘Wag sanang ibunton ng ilang KathNiel fans kay Alden ang kanegahan’

KATHRYN BERNARDO AT ALDEN RICHARDS

May mga grupo ng fans na kapag nakakabog ng ibang artista ang kanilang idolo ay nagiging pikon. Nagiging warfreak. Naghahamon. Nang-aaway.

Kudaan sila nang kudaan kahit wala naman sa katwiran. Kung anu-anong kanegahan ang ibinabato nila laban sa personalidad na kumakabog sa kanilang lodi.

Ganu’ng-ganu’n ang nagaganap ngayon, kung anu-anong paghusga at kanegahan ang ikinukulapol kay Alden Richards ng ibang mga tagasuporta nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Hindi namin nilalahat ang kanilang mga tagahanga, may grupong sumusuporta kina DJ at Kathryn na marespeto, tulad ng KDKN na mga propesyonal.

Pero may iba silang kasamahan na sobrang makapangbagsak kay Alden, tulad ng kanilang bintang na sabit lang daw ang Pambansang Bae sa malaking tagumpay ng pinagtambalan nilang pelikula ni Kathryn, ang “Hello, Love, Goodbye.”

Hindi nila kasi matanggap na nakaka-1.3 billion na ngayon ang “HLG,” dalawang araw pang ipinalabas sa mga piling sinehan ng Ayala Malls ang proyekto, kaya ang dating pigura ay mas tataas pa.

Kung hindi si Alden ang nakatambal ni Kathryn sa pelikula ay hindi ganu’n katindi ang tagumpay ng proyekto. Puwedeng makalusot pero hindi kikita nang bilyon.

Pinagkumbinasyon sa “Hello, Love, Goodbye,” ang lakas ng panghila sa publiko nina Alden at Kathryn, malaki ang naiambag ng singer-actor sa tagumpay ng pelikula, huwag naman sanang magpakabulag ang mga fans ng KathNiel na nambabagsak kay Alden.

Masakit tanggapin ang katotohanan, pero huwag naman sanang ibunton kay Alden ang kanegahan, porke ba hindi mapagpatol sa mga walang kawawaang bagay si Alden Richards ay sasamantalahin naman ng iba ang paninira sa kanya?

Read more...