HOROSCOPE August 05, 2013 | Bandera

HOROSCOPE August 05, 2013

Madam Sophia - August 05, 2013 - 07:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Lunes ngayon. Masuwerteng magsuot ng kulay na pula, upang ang kapalaran ay lalo pang gumanda. Sa pag-ibig nakakikilig ang regalo ang matatanggap mula sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 6, 12, 24, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra, “Radya-Neshaya-Om.” Bukod sa red ang yellow ay buenas  
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansiyal, isang dating kakilala ang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig, habang papalapit ng papalapit ang Barangay election, may magaganap na palihim ngunit nakakikilig na romansa. Mapalad ang 3, 15, 21, 30, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra:  “Ananda-Vig-Graha-Om.” Blue at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Hindi bagay sayo ang mag-sungit! Sa pinansiyal, ngitian ang mga kliyente at kakilala, sila ang magpapalago ng iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, patawarin  at pagpasensiyahan ang kasuyong sumpungin.  Mapalad ang 4, 16, 25, 22, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohah-Mokah-Yotah.” Green at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Magiging mapalad ang araw na ito.Dagdag na pagkakakitaan ang mabubuksan. Sa pag-ibig, mas mainit na romansa ang mararanasan mula sa kasuyong Libra. Mapalad ang 9, 15, 24, 33, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Kahit na marami ka ng pera alam mo bang laging may kulang? Sapagkat ang tunay na ligaya ay matatagpuan sa pagtulong sa iyong kapwa. Tulungan ang mga kamag anak upang lalo ka pang pagpapalin ni Lord. Mapalad ang 2, 7, 8, 26, 29 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Humingi ng opinyon sa kaibigan upang hindi mamali ng desisyon. Isang malapit na kakilala ang makakatulong upang maabsuwelto sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, utak-lamok at utak-talangka na naman ang kasuyo, pabayaan mo siyang mag-maktol! Mapalad ang 5, 9, 21, 38, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Dosya-Om”. Orange at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Mapalad sa negosyong may kaugnayan sa computer, cell phone at iba pang modernong kasangkapan. Maghanap ng kasosyong may birth date na 5, 14, at 23. Sa pag-ibig, isang Libra ang matagal ng may lihim na pagtingin sayo. Mapalad ang 5, 17, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra:  “Anilam-Bastam-Idam-Om.” White at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Upang yumaman, magpataba ka! Ang mga taong may bilugan pagmumkha ang higit na yumayaman kaysa sa mga payat. Sa pag-ibig, hindi mo lang alam, sexy din kaya ang matataba. Mapalad ang 3, 7, 18, 27, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Beauty is in the eye of the beholder.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Lumayo muna sa sinilangang bayan. Sa ibang lugar  may magandang kapalarang naghihinaty.  Oo, higit kang kikita ng malaking halaga sa pangingibang bansa. Sa pag-ibig, sa abroad mo matatagpuan ang true love. Mapalad ang 3, 4, 9, 22, 28, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Santura-Om.” Pink at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi masamang humingi ng tulong, ang mas masama ay lagi ka na lang bigo dahil sa iyong pride. Hanapin ang isang kakilalang Aries at sa kanya ka humingi ng favor upang tuluyan ng matuldukan ang iyong mga problema. Mapalad ang 2, 7, 15, 21, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti.” Orange at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Kapag nagawa mong pasunurin ang mga taong nakapaligid sayo, malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, piliting underin ang kasuyo, upang hindi makagawa ng kalokohan. Mapalad ang 3, 6, 12, 28, 37 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kale-Varam-Tam-Om.” Pink at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig, limutin na ang nakaraang kabiguan. Isang Virgo ang sayo ay matagal ng naghihitay. Sa pinansyal, tipid-tipid muna hanggat wala pang hawak na malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 2, 7, 10, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ravaye-Neh-Om”. Blue at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Kailangang malaglag sa lupa ang bulok na prutas, upang tumubo ang bagong punla. Ganon din ang  kapalaran, kailangang mabigo upang bukas makalawa, malaking tagumpay naman ang iyong mapala. Manatiling matatag, sa bawat hamon ng buhay. Mapalad ang 5, 13, 23, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Per-Aspera-Ad-Astra.” White at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending