Rhap Salazar ibinandera ang lovelife: Sa mga lumalaban sa ngalan ng pag-ibig, magbunyi.

RHAP SALAZAR AT ANG MISTERYOSONG LALAKI SA FALLS

HIGANTENG bouquet of red roses ang Valentine gift ni Xian Lim sa girlfriend niyang si Kim Chiu.

Mas mataas pa ang bouquet kay Kim sa picture na ipinost niya sa kanyang Instagram account.

Bahagi ng caption ni Chinita Princess sa kanyang IG post, “Each year you never fail to surprise me! Still and I always will!!! Thank you Xi!!! Babae pala ako!!!”

Tanong nga lang ni Kim sa natanggap na bulaklak, “Paano ko kaya to iuwi?”

Sa mga Valentine posts ng mga celebrities, kakaiba ang inilabas ng singer na si Rhap Salazar (@rhapsalazar) sa kanyang Twitter account.

Sa litratong ibinandera ng young singer makikita na may kasama siyang lalaki at kapwa sila nakahubad ng damit pang-itaaas, nakatalikod habang tinitingnan ang tubig sa falls.

Tweet ng singer, “Today, let us celebrate LOVE.” Base sa comments ng ilang netizens kuha ang litrato nina Rhap sa Mantayupan Falls, sa Barili, Cebu.
Ilang kaibigang celebrities ni Rhap ang bumati sa kanya. Komento nga ni Kiray Celis, “I love you kapatid!”

Nauna rito, nag-post din ng kanyang Valentine message si Rhap para sa kanyang social media followers. Aniya, “Maligayang Araw ng mga Puso sa mga taong patuloy na lumalaban sa ngalan ng pag-ibig. Magbunyi!”

At noon namang Feb. 12, tila may taong nami-miss ang singer, “I miss my Cheek so much. I miss my safest place. Haaaay. Kaya mo ‘to, self.”
Marami nang nagtatanong sa tunay na sexual preference ni Raph pero ayon sa kanyang followers isang patunay dito ang rainbow flag sa kanyang IG profile na sumisimbolo sa LGBTQ.

 

Read more...