SIGURADONG this year na magaganap ang kasal nina Angel Locsin at Neil Arce.
Sa Instagram post kasi ng Kapamilya actress last Valentine’s Day kinumpirma nitong ito na ang huli nilang pagse-celebrate ni Neil ng Araw ng mga Puso bilang engaged couple.
Sa isang spa clinic nagpunta ang magdyowa base sa kanilang mga litrato kung saan pareho pa silang nakasuot ng bathrobe at enjoy na enjoy sa kanilang bonding moments.
Caption ni Angel sa kanyang IG post, “Celebrating our last Valentine’s day as boyfriend and girlfriend (wedding ring emoji).”
Sa comments section nag-reply si Neil sa message ng kanyang future wife, “Happy Valentine’s beautiful (kissing emoji).”
Ibinandera ng magdyowa ang kanilang engagement noong June 29, 2019. Ayon kay Angel, isa rin sa dahilan kung bakit hindi muna siya pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ay dahil sa wedding nila ni Neil.
Ayon sa isang source, November daw ang wedding ng dalawa pero may nagsasabi naman na this summer na raw ito magaganap. Kaya wait na lang tayo sa susunod na kabanata.