ALBEIT sans direct reference, halatang ang dati niyang biyenan na si Pilita Corrales ang pinasaringan ni Lotlot de Leon in her recent post.
That was in reaction sa ipinagbanduhan pang paninita ni Pilita kay Janine Gutierrez (anak ni Loltlot) in an online showbiz program recently, na may kinalaman sa December, 2019 post nito tungkol sa TV comeback ni Bong Revilla.
Before she was interviewed, ipinagmalaki ni Pilita sa isa sa mga host nito na, “Pinagalitan ko si Janine. I told her ‘you’re wrong, you’re wrong’!”
Una sa mga nag-react ay si Lolit Solis, manager ni Bong, one of the program hosts.
Matatandaang ang “Oh, God…’di ko kaya, Besh!” na ipinost ni Janine incurred Lolit’s ire. Aminado rin si Bong (na may teleserye sa GMA) na nasaktan din siya, pero wala na raw ‘yon sa kanya.
Pilita’s point was clear. Bisita nga naman siya sa programang ‘yon albeit to promote her pre-Valentine show. She took advantage of the opportunity yaman din lang na naroon si Lolit.
And whether or not Pilita brought it up, for sure, hihingan din siya ng reaksiyon ni Lolit. Or to play safe, some listener out there could jumpstart the topic thus sparing any of the hosts.
Kaso, iba ang dating ng ikinuwento niyang paraan ng admonition kay Janine. At du’n na umalma si Lotlot, which is not basically her.
Involved na kasi ang kanyang anak, her family which she greatly values more than anything.
Already strained ay lalo pa tuloy naging tensiyonado ang relasyon ng dating magbiyenan. At understandable naman ito dahil wala nang nag-uugnay kina Pilita at Lotlot except for the kids.
But we think Pilita could have softened the issue nang hindi niya ipinagyabang ang ginawa niyang pagsita sa kanyang apo.
The least na puwedeng ginawa sana ng Asia’s Queen of Songs was to request Lolit na huwag nang pag-usapan ‘yon, tutal naman, she swooped down on the set to promote her show.
Puwedeng off-air na lang binanggit ni Pilita kay Lolit what she did to Janine bilang isang lola na hanggang ngayo’y may malasakit pa rin dito sa kabila ng sinapit ng relasyon ng kanyang anak.
She’s also too old to get involved in issues.
To top it all, huwag sanang saklawan ni Pilita, or any elderly person for that matter, ang kaisipan ng mga kabataan, anupaman ang paksang gustong tumbasan ng komento ng mga ito.
They have a mind of their own, maaaring hindi nga lang kasinglawak ng mga taong mas nakatatanda sa kanila and are much richer in experiences in life.
Hindi sa “the harm has been done,” dahil wala kaming nakitang foul o kabastusan sa post ni Janine dahil unang-una, wala naman itong boses.
It’s not what you say but how you say it.