GAME si Jane Oineza na makatambal sa isang proyekto si Joshua Garcia.
Na-link noon ang dalawa nang magkasama sa Pinoy Big Brother pero sumusumpa si Jane na hindi sila naging magdyowa ng ex ni Julia Barretto.
Sa presscon ng bagong pelikula ni Jane, ang “Us Again” under Regal Films, sinabi ng aktres na hindi man sila naging magkarelasyon ni Joshua, naging mabuting magkaibigan naman sila.
“Hindi po (naging kami). Hindi rin naman po natuloy ‘yung from inside the (PBB) house outside. Paglabas din wala,” aniya.
Pero in fairness, buhay na buhay pa rin ang fans nilang JoshAne na nagsimula nga sa PBB, “Thankful din naman po ako sa fans namin. Hanggang ngayon active pa rin sila. And sinusuportahan pa rin nila kami individually. So nagpapasalamat ako.”
Samantala, matapos purihin ang akting ni Jane sa mga pelikulang “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love” at “Finding You” last year, muli na namang bibida ang aktres sa isa namang hugot movie mula sa Regal Films, ang “Us Again” kung saan makakatambal naman niya si RK Bagatsing.
Tanong ng pelikula nina Jane at RK sa madlang pipol, “Ang dalawang taong nagmahal kahit mali, umasa kahit imposible. Maging sila kaya hanggang sa huli?”
Sa presscon ng “Us Again” natanong ang dalawang bida kung may pagsisisi ba sila sa kanilang failed relationshios.
“Wala po akong pinagsisisihan kasi lahat ng iyon ay reason kung sino at ano ako ngayon,” sagot ni Jane.
Sabi naman ni RK, “Regardless gaano kahirap yung sitwasyon, it’s better to talk about it rather than go days without saying a word.”
Hirit pa ni Jane, “Continuously learning from past experiences para kapag nalagay ka sa parehong sitwasyon next time, you already have an idea how to better deal with it.”
Showing na ang “Us Again” sa Feb. 26 nationwide sa direksyon ni Joy Aquino mula sa Regal Films. Kasama rin dito sina Bidaman winner Jin Macapagal, Sarah Edwards, Eda Nolan, Miko Gallardo, Clara Del Rosario, Minnie Nato, Veronica Reyes at Phiona Raymundo.