Enrique may pa-Valentine surprise kay Liza

ENRIQUE GIL AT LIZA SOBERANO

It’s kilig Friday for LizQuen fans as tonight na magaganap ang romantic moments nina Liza Soberano as Billy and Enrique Gil as Gabo sa Make It With You.

Sa teaser pa lang ay makikita na ang nakakakilig na eksena ng dalawa sa kotse kung saan nakunan na hahalikan ni Billy si Gabo.

Ang eksena emanated from a party. Nahilo si Billy dahil hindi naman siya sanay uminom. To the rescue si Gabo and what followed is a nakakakilig na scene na tiyak aabangan ng LizQuen fans.

Nakapasok na officially si Billy sa company nina Gabo. Palpak ang kanyang first day dahil natalakan siya ni Gabo kasi na-late siya sa unang araw niya sa trabaho.

Teka, nasa taping ang dalawa ng kanilang teleserye today so paano kaya nila ise-celebrate ang kanilang Valentine’s Day.

In our last interview with the young couple, sinabi ni Enrique na he’ll find ways to celebrate the very special day with Liza. Siguradong may pa-surprise siya sa kanyang GF.

Read more...