ISA ang lungsod ng Biñan sa mga tumulong sa mga nasalanta sa pagputok ng bulkang Taal.
Hindi damit at mga pagkaing dala ng mga taga-Biñan ang sumikat sa kanilang pagtulong kundi ang paggawa nila ng brick gamit ang abo na ibinuga ng bulkan.
Matagal nang gumagawa ng brick ang city government pero ang kanilang inihahalo sa buhangin at semento ay mga pinagpira-pirasong basurang plastic.
Ang brick ay kanilang ibinebenta sa halagang P12 kada piraso at lahat ng kinikita nito ay kanila ring itinutulong.
Ayon kay Biñan City Mayor Walfredo Dimaguila Jr., hiningan siya ng tulong ng mga opisyal ng Batangas. At ang tulong na kailangan nila ay bricks at hollow blocks.
Bukod sa bricks ay gumagawa rin ng hollow blocks ang Biñan.
Sa mga proyekto ng lungsod, kasama umano sa kontrata ang pagbili ng hollow blocks at brick na gawa ng kanilang mga makina.
Sinimulan na rin ng Batangas provincial government ang paggawa ng sarili nitong hollow blocks na hinaluan ang ash fall.
Marami umanong mga negosyante ang tumugon sa panawagan ng lungsod na magsama-sama sa pagtulong sa mga nasalanta ng pagputok ng Taal.
Bayanihan ala Biñan
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...