outbrain

Horoscope, February 14, 2020

By MR. LONGSHOT February 14,2020
share this

Horoscope, February 14, 2020

By MR. LONGSHOT February 14,2020
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Tuloy-tuloy na aangat ang kita. Tuloy-tuloy din ang pagdating ng mga oportunidad ng pagkakaperahan. Sa lovelife, bagamat may bahagyang kalungkutang nadarama, tuloy pa rin ang masarap at nakakikilig na romansa. Markahan ang 6, 14, 22, 31, 38 at 44. Lilac at magenta ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)- Sa pinansyal tatabo ka ng malaking halaga sa mga produktong may kaugnayan sa modernong teknolohiya at sa mga bagay na ginagamitan ng kuryente. Sa lovelife, sa isang unipormadong nilalang, matatagpuan ang true love. Markahan ang 5, 18, 27, 30, 38 at 45. Blue at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Wag magpatangay sa magastos na pagdiriwang ng Valentine’s day. Tipid pa rin ang kailangan para sa kinabukasan ng pamilya. Imbis na manood ng sine yayain ang kasuyo sa tahimik na silid doon mas masarap magloving-loving. Markahan ang 6, 18, 27, 37, 45, at 48. Purple at maroon ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)-Hindi pang matagalan ang sayang nararamdaman ngayon – ang lahat ay kusang lumilipas. Samantala, kung may dumating na grasya at materyal na bagay, magtabi para sa kinabukasan. Sa lovelife, ngayong kasama mo siya, saidin ng lubos ang sarap at ligaya, sapagkat minsan lang mangyari ang ganitong pagkakataon. Markahan ang 5, 14, 22, 31, 40 at 49. White at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)- Wag intindihin ang sinasabi ng iba, ang mas mahalaga ngayong araw na ito magpakaligaya. Sa pinansyal, isang Scorpio ang maaaring malapitan upang mautangan. Markahan ang 7, 16, 25, 38, 43, at 45. Green at gold ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)- Inuutsan ka ng langit na kumilos na ngayon at ipatupad ang lahat ng iyong mga pangarap. Sapagkat sa sandaling naisagawa mo na ang lahat ng iyong binabalak, tuloy-tuloy ka ng uunlad at yayaman. Sa lovelife, samantalahin ang inaalok na date ng kasuyo. Markahan ang 4, 16, 25, 34, 43 at 49. Red at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)- Ipakita mo na iba ka sa lahat! Kung sila “tatlong rosas” ang bigay sa babaing minamahal, isang bouquet na roses ang ihandog sa kasuyong Taurus. Kung ikaw ay isang babae, ipakita mo ring iba ka sa lahat, bigyan ng tatlong balot ang kasuyong mahina na ang tuhod. Markahan ang 5, 17, 22, 34, 43, at 49. Lilac at orange ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)-Ngayong Valentine ipagluto ng masarap na pagkain ang kasuyo, upang lalong uminit ang pagmamahalan, mainit na sabaw ng soup number 5. Habang patuloy kayong nasasarapan at lumiligaya, tuloy-tuloy naman ang pasok ng magagandang kapalaran. Markahan ang 5, 19, 28, 33, 37 at 40. Blue at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Sa sandaling nalusutan ang kasalukuyang problema giginhawa ka na rin! Sa pinansyal, sa susunod na buwan, unti-unti na uling darami ang pera. Sa lovelife, unawain ang kasuyong sumpungin kaysa mag-away na naman kayo. Markahan ang 4, 13, 22, 31, 28 at 35. Red at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Samantalahin ang pagkakataon ang magandang kapalaran ay paparating na. Sunggaban ang pagkakakitaang inaalok ng isang Aries. Sa lovelife, wag ng ipagpaliban pa ang magagawa ngayon – romansahin ang kasuyong noong nakaraang pang araw parinig ng parinig. Markahan ang 5, 18, 23, 33, 38 at 44. Blue at silver ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Para maiba naman, maghanap ng isang romantiko pero mumurahing restaurant at doon kayo mag dinner date. Sa pinansyal, kahit mura lang ang regalo kung galing naman sa puso, nakakikilig na rin ito sa pagbibigyan. Markahan ang 4, 13, 22, 31, 37, at 49. Pink at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Hindi mo dapat pagdamutan ang iyong kasuyo, alalahanin mong Araw ng mga Puso ngayon! Kung ikaw ay isang lalaki, ibili mo siya ng mga bulaklak. Kung ikaw ay babae, malaking bagay na sa isang lalaki na bulungan mo siya ng “I love u” sabay kiss sa lips, habang medyo titingkayad ka pa ng bahagya. Markahan ang 4, 16, 19, 21, 26, at 49. Red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Wag mapagod sa paghihintay. Kung walang dumating ngayong Valentine’s day, sa buwan ng Marso grande at bonggang-bonggang suwerte ang mapapasa iyo na may kaugnayan sa pag-ibig at pinansyal. Umuwi ka na at magpahinga kaysa maghintay sa wala. Markahan 7, 16, 23, 31, 38 at 44. Gray at green ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending