Horoscope, February 13, 2020 | Bandera

Horoscope, February 13, 2020

Madam Sophia |February 13,2020
facebook
share this

Horoscope, February 13, 2020

Madam Sophia - February 13, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansyal, bigla ang dating ng suwerte, malaking halaga ng salapi ang iyong mahahawakan. Sa lovelife, ireserba ang lakas, para bukas! Markahan ang 1, 8, 17, 26, 35, at 44. Black at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)-Magiging matagumpay ang larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi, nganga pa rin! Ang pinakamabuting gawin ay mag-tipid. Hinay-hinay muna sa pagkain ng masasarap, mainam yan para lalo kang sumeksi. Markahan ang 6, 18, 22, 27, 34 at 43. Green at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)-Habang pabago-bago ang panahon may bahagyang karamdamang mararanasan. Ngunit madali ka namang gagaling sa sandaling nasabak sa isang mainit at nag-aalab na romansa na habang dinadama mo ay parang wala ng bukas pa. Markahan ang 3, 9, 18, 27, 33, 42 at 45. Violet at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)-Sa lovelife, ngayon pa lang paghandaan na ang romansang gagawin sa araw ng bukas. Uwian ang kasuyo ng isang uri ng pagkaing, bilog, nilalagyan ng asin at hinihigop ang sabaw upang lumakas ang kanyang tuhod at resistensya. Markahan ang 7, 16, 25, 34, 40 at 47. Green at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)-Sundin ang mungkahi ng kasuyo! Hindi ka dapat na maging magastos. Sa pinansyal, isa lang ang susi upang yumaman, maging masinop at matipid. Sa lovelife, may masarap na romansang mararansan sa araw ng ngayon at ganon din sa araw ng bukas. Markahan ang 4, 13, 22, 31, 37, at 49. Pink at gold ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)- Sa pinansyal tuloy ang pasok ng magandang kinikita at tuloy din ang pag-unlad ng kabuhayan. Sa lovelife, magpaubaya sa binabalak ng kasuyo upang magtuloy-tuloy ang isang masarap at kapanapanabik na romansa. Markahan ang 4, 13, 19, 28, 37 at 43. Yellow at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)-Kahit nagpatong-patong ang mga gawain, kaya mong matapos ang lahat ng iyan. Bilis ang susi upang umunlad at yumaman. Sa lovelife, isa isantabi muna ang mga bagay na may kaugnayan sa emosyon, puro salapi muna ang isipin. Markahan ang 5, 14, 25, 38, 33 at 49. Lilac at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Sa pinansyal, mas marami kang kikitain kung lagi kang in love at kung laging masigla ang iyong libido. Sa lovelife, wag silang intindihin, tama ang nasa isip mo, “kanya-kanya ng taste yan, wala silang paki-alam!” Markahan ang 9, 18, 27, 36, 43, at 45. Maroon at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) -Wag manghinayang sa mga bagay na wala sa ‘yo, ikalulungkot mo lang ‘yan. Ganon pa man dahil mahal ka ng langit ang mga bagay na wala sa iyo at mga bagay na gusto mong mapasa iyo ay isa-isa ng darating. Laging magpasalamat sa nasa itaas sa mga biyayang iyong natatanggap. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 34, at 47. Blue at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Sa lovelife, walang magagawa ang mga paa mo kundi ang sumama sa isang taong matagal ka ng inaaya. Sa pagsama sa kanya, dagdag na suwerte at ligaya ang iyong mapapala, na may pabaon pang espesyal na regalo. Markahan ang 3, 6, 12, 27, 30, at 34. Green at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Anoman ang problema wag mabubugnot alalahanin mong Valentine’s day na bukas. Kapag lagi kang masaya, mas darami ang pera. Sa lovelife, yayain ang kasuyo sa tahimik at malamig na silid. Markahan ang 4, 14, 22, 38, 40 at 48. Lilac at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)-Panahon na upang sundin ang tinitibok ng puso! Sa buwang ito ng Pebrero gagabayan ka ng iyong emosyon upang kumita ng malaking halaga. Sa lovelife, patuloy ang lihim na pakikipag-romansa sa isang Libra. Markahan ang 8, 16, 24, 33, 42, at 48. Red at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Laging magpasalamat sa lahat ng sitwasyon at mga pangyayari, dahil ang isang taong laging nagpapasalamat mas maraming biyaya ang natatanggap. Sa lovelife, ngayon palang paghandaan ng mabuti ang plinapalno nyong paged-date ng kasuyo para sa araw ng bukas. Markahan ang 2, 7, 18, 24, 33 at 48. Maroon at violet ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending