TINAMAAN umano ng nCoV o ‘No Cash on Valentine’s day’ ang mga guro dahil sa hindi pagbibigay ng gobyerno sa mga insentibo ng mga ito.
Ayon sa Alliance of Concerned Teachers hindi pa rin naibibigay ang 2018 Performance-based Bonus, special hardship allowance at ang natitirang P3,000 sa P10,000 Service Recognition Incentive ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Kinondena rin ng ACT ang Department of Education sa mabagal umanong pag-asikaso sa mga benepisyo na nararapat nakuha ng mga guro.
“Every delay in their processing, every slack on their part means further struggle for us and our families. Teachers will not stand for this, DepEd and the rest of this administration must be held accountable,” ani ACT Chairperson Joselyn Martinez.
Nagbabadya rin umano ang muling pagka-delay sa maliit na dagdag sa sahod ng mga guro sa ilalim ng Salary Standardization Law 5. Hindi natanggap ng mga guro ang dagdag-sahod noong Enero.
“The delay in the release of our bonuses, which supposedly recognize our hard work, and the SHA, which is essential in the duty performance of classroom teachers’ assigned to hardship posts, causes huge distress to us and our families who struggles to get by with our meager pay and rising costs of living,” dagdag pa ni Martinez.