Sikat na beking celeb kuripot mag-abuloy sa patay

SA isang lamayan ay pinagpistahan ang isang pamosong personalidad na malapit na malapit sa yumao. Naging magkatrabaho sila nang matagal na panahon.

Pareho silang becki. Palagi silang magkasama-magkausap dahil ang kanilang posisyon ay palaging may kuneksiyon. Nakalulungkot lang na maagang nagpaalam ang production staff.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng namatay ang staff ng becki, nagpaikot sila ng kahon para maglambing ng abuloy. Hindi naman kasi siya mayaman, kailangan niya ng ayuda, kaya nag-pass the hat sila.

“Maraming nagbigay ng tulong, malaki-laki rin ang naipon ng staff, pero may malaking palaisipan sa kanila dahil sa pamosong becki na inaasahan nilang magbibigay nang malaking tulong sa namatayan.

“Matinding pagkagulat ang naramdaman ng lahat dahil ang becki na malapit sa namatay, e, nagbigay lang ng amount na parang wala lang!

“Wala namang masama du’n sa ibinigay na abuloy ng sikat na becki, kaya lang, sa haba at lalim ng pinagsamahan nila ng namatay, e, hindi ganu’n lang ang inaasahan mula sa kanya ng kanilang mga kasamahan.

“Hindi nila akalaing ganu’n lang ang ibibigay ng becki dahil kumbaga, e, siya ang kapitan ng barko. Kung ang iba ngang hindi naman close du’n sa namatay, e, tumulong nang wagas, siya pa ba naman ang hindi dapat gumawa ng ganu’n?

“Pero walang nagawa ang pamilya at mga kaibigan at katrabaho ng becki, kung talagang hanggang du’n lang ang kayang ibigay ng pamosong becki, e, okey na rin,” malungkot na kuwento ng aming impormante.

Selektibo raw kasi kung tumulong ang kilalang becki, kapag nasa harap siya ng mga camera ay mabilis siyang umayuda, ganu’n ang paglalarawan sa becki ng kanyang mga kasamahan.

Balik-kuwento ng aming source, “‘Yun talaga ang nangyayari. Kapag oncam siya, e, kung anu-anong tulong ang ibinibigay niya sa mga kababayan natin.

“Puring-puri siya dahil sa mabilisan niyang pagtulong, sinasagot niya ang gastos sa ganito at ganyan ng contestant, di ba? Pero sa mga taong matagal na niyang nakakasama, e, hindi siya ganu’n.

“Hindi nga naman maganda ang ganu’n, hindi siya dapat selective sa pagtulong, lalo na sa mga taong matagal niyang nakasama at pinakinabangan,” malungkot na pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, maganda ba ang ganu’n? Ano sa palagay n’yo?

Read more...