Sylvia nominado sa 2020 North Europe Int’l filmfest

SYLVIA SANCHEZ AT JINGGOY ESTRADA

LUBOS ang pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa lahat ng bumabati sa kanya bilang nominado sa gaganaping North Europe International Film Festival Awards 2020 sa Peb. 22 para sa pelikulang “Jesusa.”

Kasama si Sylvia sa kategoryang Best Lead Actress in a Foreign Language Film kung saan 13 pang aktres ang maglalaban-laban para sa kategorya.

Abala ngayon si Ibyang sa shooting ng pelikulang “Coming Home” kasama si former Sen. Jinggoy Estrada na planong isali sa 2020 Summer Metro Manila Film Festival.

Pero kung hindi man ito umabot sa deadline, ay inihahanda bilang Mother’s Day presentation ng Maverich Productions at ALV Productions mula sa direksyon ni Adolf Alix Jr.

Bukod sa shooting ay segue rin ang aktres sa taping ng Kapamilya series na Pamilya Ko na talagang paborito pa ring pag-usapan ng manonood. Hindi namin ito napapanood tuwing hapon sa ABS-CBN pero hinahabol namin ito sa iWant.

Anyway, tinanong namin si Ibyang kung makakadalo siya sa awards night pero hindi pa niya kami sinasagot. Pero sa tingin namin ay malabo rin dahil sa hectic ng schedule ngayon ni Sylvia.

 

Read more...