Park Hae Jin walang pahinga; hataw uli sa ‘Old School Intern’

Kasisimula pa lang ng bagong serye ng Korean superstar na si Park Hae Jin na “Forest” pero ngayon pa lang ay kumpirmado nang gagawin niya ang panibagong drama series this year.

Bibida si Hae Jin sa upcoming drama “Old School Intern” kung saan gaganap siya bilang Ga Yeol Chan, isang office worker na lumipat sa isang ramyun company matapos maghirap sa ilalim ng mas matanda at bossy niyang superior.

Sa kanyang bagong kumpanya ay nagsikap siya hanggang sa naging lider ng marketing-sales team. Isang perfectionist si Ga Yeol Chan sa trabaho ngunit sloppy talaga sa labas ng trabaho.

Isang araw ay magkikita ulit sila ng kanyang superior na si Lee Man Shik na gagampanan ni Kim Eung Soo. Siya naman ngayon ang magiging superior ng dating boss na isa na ngayong senior intern.

Sa comedy series na ito ipakikita ang paghihiganti ni Ga Yeol Chan sa kanyang superior ngunit sa kabila ng paghihiganti ay ipakikita pa rin dito kung paano nila unti-unting magtatanggap ang kanilang pagkakaiba pagdating sa paghawak ng trabaho.
Mapapanood ang “Old School Intern” sa Mayo kapalit ng “The Way He Remembers” nina Kim Dong Wook at Moon Ga Young.

Read more...