Kilalang aktor na-in love sa ka-loveteam na may dyowa; malungkot sa V-Day

KILALANG AKTOR NA-IN LOVE SA KA-LOVETEAM NA MAY DYOWA; MALUNGKOT SA V-DAY

Trulili kaya na nade-develop na ang kilalang aktor sa kanyang ka-loveteam na may boyfriend? Ito ang nadulas na tsika sa amin ng isang taong malapit sa binata.

Parating sinasabi ng magka-loveteam na magkaibigan lang sila at career muna ang uunahin nila lalo’t may mga proyekto silang magkasama bukod sa kanilang solo projects.

Nabanggit ng kilalang aktor sa kanyang kaibigan na nagkuwento sa amin na nalulungkot at nami-miss nito ang ka-loveteam dahil sa next project niya ay hindi na sila ang magkasama.

Sabi pa, “Hindi lang makaporma kasi nga may boyfriend si _____ (aktres) kaya hanggang friendship lang sila. Though nahahalata na rin naman sigurong may gusto si _____ (kilalang aktor) kay _____ (ka-loveteam).”

As of now ay bihirang magkita ang magka-loveteam dahil nakabakasyon ang aktres at si kilalang aktor naman ay abala sa iba pa niyang project.

Read more...