Matteo ilang araw naka-bed rest matapos maaksidente sa training


ILANG araw naka-bed rest ang fiance ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli makaraang maaksidente last Friday.

Mismong ang aktor at Philippine Army reservist ang nagbalita sa kanyang fans at social media followers na kailangan niyang magpahinga muna para mabilis na maka-recover.

Sa kanyang Instagram, sinabi ni Matteo na naaksidente siya habang nagte-training, “I’ll be out for awhile. Injured myself yesterday during a training session. Slipped disc.”

Ayon sa isant heath website, ang slipped disc ay nangyayari, “When the outer ring becomes weak or torn and allows the inner portion to slip out.

“This can happen with age. Certain motions may also cause a slipped disc. A disc can slip out of place while you are twisting or turning to lift an object.”

Wala namang binanggit ang binata kung para saan ang ginagawa niyang training pero ang hula ng netizens, baka puspusan na ang ginagawang paghahanda ng aktor para sa pelikula niyang “Penduko” under Viva Films.

Bukod kay Matteo, ang isa pang kilalang Filipino celebrity na may slipped disc ay ang Kapamilya actress na si Angel Locsin na gumaling naman matapos maoperahan.

Read more...