Kris matagal mawawala para sa ‘birthday retreat’

KRIS AQUINO

Kris Aquino will be by her lonesome on her birthday which falls on Valentine’s Day.

On her recent social media post, itsinika niya na may pupuntahan siyang isang bansa na kasama lang niya ang kanyang loyal alalay na si Bincai. No Joshua and Bimby this time.

No, she did not say kung saan siya magbabakasyon. Siya lang at mga close friends niya siguro ang nakakaalam.

“This surprised me on my way out, THANK YOU #divinalaw… only my closest staff were aware (they made the arrangements) that i was leaving today for a relatively long, wellness birthday retreat… i’m basically on my own, except poor bincai also has to join me do the nature walks, relaxation yoga.
“Introduction to meditation, or watch over my sessions of aqua therapy, more acupuncture etc. because i’m still on a lot of maintenance medicines plus she’s trained in case of any emergencies (na sana wag mangyari).
“It’s going to be a very QUIET birthday because the most meaningful gift i can give myself is TO GIVE MY ALL to strive to be the healthiest i can possibly be… nobody else has the power to do this BUT me.

“Until then, LOVE, PROSPERITY, and PEACE to all!”

That was Kris’ recent post.
* * *

Si Marcelito Pomoy ang guest ni Vice Ganda sa Gandang Gabi, Vice at aliw ang interview sa kanya.

“Sila ang namili, sila ang nag-message sa amin sa Facebook na kukunin kami. May kalaban akong taga-India na naka-bike,” say ni Marcelito when asked kung paano siya nakapasok sa America’s Got Talent Champions edition.

Nang matanong naman kung sino ang pinakamatindi niyang kalaban, he said, “Si Unbeatable, from India, ‘yung grupo. Nakatatlong sali na kasi sila doon, eh.”

Natanong din si Marcelito kung bakit kailangan pa niyang may interpreter, “Actually, kinakabahan talaga ko pagdating sa stage. Minsan nabablangko na kasi ako. Siya (wife Joan) kasi ang nagpapasok sa akin kaya binigyan ko ng trabaho (bilang interpreter),” say niya.

“Hinamon niya ako. Sabi niya, kung hindi ako ang magiging interpreter niya ay hindi siya sasali so I have no choice,” say ni Joan.

Later, he sang “I Want to Spend My Lifetime Loving You” using dual voices. Ang galing!!!

Read more...