11K empleyado mawawalan ng trabaho sa pagsasara ng ABS-CBN

AABOT umano sa 11,000 empleyado ang nanganganib na mawalan ng trabaho kung hindi mare-renew ang prangkisa g ABS-CBN 2.

“Ako naman ay umaasa at kumakapit pa rin sa pag-asa at paniniwala na magkakaroon pa rin ng hearing dito sa Kongreso para sa renewal ng franchise ng ABS-CBN lalo pa at ang pinaka-concern natin dito ay ang halos 11,000 na mga empleyado na maaaring mawalan ng hanapbuhay o trabaho kapag hindi na-renew ang franchise na ito,” ani Laguna Rep. Sol Aragones.
Ganito rin ang sinabi ni House Deputy Speaker Rose Marie Arenas na isa sa mga naghain ng panukala upang i-renew ang prangkisa ng Channel 2.

“The President is a leader whose compassion has been at the core of his policies and I believe at this time if necessary, should be at the heart of the resolution of this problem. He has shown time and time again, his willingness to listen for the sake of avoiding collateral damage and sparing the innocent.”

Naniniwala rin si Arenas na gagawin ng Kamara de Representantes ang mandato nito at magsasagawa ng pagdinig sa panukala.

Nanawagan din si Albay Rep. Edcel Lagman sa House committee on franchise na magsagawa ng pagdinig.

“The Congress, more particularly the House Committee on Legislative Franchises, must not temporize its action on the pending bills proposing the extension of the franchise of ABS-CBN because it must maintain its independence from the Executive and Judicial departments. Moreover, there is no final decision on the quo warranto case.”

Sinabi ni Lagman, isa sa naghain ng panukala na i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, na mayroon ng 81 kongresista na lumagda sa kanyang inihain.

Kailangan ng mayorya o mahigit kalahati ng 302 miyembro ng Kamara upang maaprubahan ang panukala.

Sa Marso matatapos ang prangkisa ng ABS-CBN.

Read more...