Cong nabiktima ng diskriminasyon sa nCoV

NAKARANAS din umano ng diskriminasyon kaugnay ng 2019 novel coronavirus maging ang mga hindi naman galing ng China.

Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin pinagbawalan siya at ang iba pang pasahero ng Cebu Pacific flight 5J 322 na biyaheng Legaspi City-Manila kahapon (Lunes) na gumamit ng palikuran na nasa harapan.

 “I and Co-passengers experienced first hand a somewhat discrimination as the Pilot Timothy Lopez ordered that the front Toilet shall be use exclusively for them and that all passengers should use the rear toilet based solely on his misplaced belief to avoid the spread of Novel Corona Virus,” ani Garbin.

Dapat umano ay ikinonsidera ng piloto ang mga matatanda at mga pasahero na may kasamang bata na kailangan pang lumayo para makagamit ng banyo.

Nagreklamo umano si Garbin sa flight attendant pero hindi umano ito pinakinggan.

“Sabi ng attendant yon daw order ng piloto,” dagdag pa ni Garbin.

Read more...