Liza: OK lang kahit madurog ang puso ko…

HINDI aware sina Liza Soberano at Enrique Gil na pinataob nila ang kalabang programa sa kanilang timeslot.

“Ako po hindi ako mahilig tumingin sa rating. Hindi po talaga namin alam ‘yan,” Liza said.

“Actually, ngayon lang namin na-realize ‘yan. Siguro the most important thing to us is ‘yung feedback ng fans. Kaya lang naman namin ginagawa ito ay para sa kanila. If they’re happy, kahit hindi naman sobra-sobra ang taas ng rating namin ay happy na kami na happy sila,” said Liza.

Mas mature ba sila bilang Gabo at Billy sa Make It With You? “Yeah, I think ‘yung mga decisions namin, ‘yung mga problema namin dito I think graver ‘yun compared sa mga previous shows namin,” said Enrique.

“It’s more confusing in a way kasi kahit kami parang nalilito kami minsan. I guess kasi sobrang nai-imbibe naming ‘yung character na kahit kami, ‘oh, my gosh, paano ba ito? Ano ang gagawin ni Billy?’ Kasi si Billy she’s always questioning herself now with her current situation with Gabo. Even when I read the script, ‘Ha? Paano?’ Lagi akong gano’n,” say ni Liza.

“I think sa previous shows namin, I mean, parang it is always follow your heart, always follow your heart, always follow your heart. Dito kasi parang stop using your heart kasi masasaktan siya. Just use your mind na lang. Okay lang kahit madurog ang puso ko. Parang ganoon ang nangyayari dito,” she added.

Read more...