Horoscope, Feb. 10, 2020 | Bandera

Horoscope, Feb. 10, 2020

Madam Sophia |February 10,2020
facebook
share this

Horoscope, Feb. 10, 2020

Madam Sophia - February 10, 2020 - 12:15 AM
Para sa may kaarawan ngayon: Magtutuloy-tuloy na ang suwerte at pagdating ng iba mo pang magagandang kapalaran. Mas mainam na tumulong ka sa mga kapos palad at wala ng maaasahan sa buhay, upang ang iyong suwerte ay hindi lang magtuloy-tuloy, kundi magkadoble-doble pa at lalo pang dumami ng dumami. Markahan ang 7, 16, 19, 28, 34, at 43. Yellow at red ang buenas. Aries – (Marso 21-April 19)- Sa panahong ikaw ay sagana, wag kalimutang tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakakatulong sa iyo, upang lalo ka pang suwertehin. Sa lovelife ngayon pa lang iplano na ang gagawin ninyong paged-date ng kasuyo sa Valentine’s day. Markahan ang 3, 9, 27, 32, 39 at 45. Beige at maroon ang buenas. Taurus – (April 20-May 20)-Magandang pagkakataon ang araw na ito upang disiplinahin ang sarili. Hindi dapat bumili ng bumili ng kung ano-anong bagay na hindi naman kailangan. Pigilin mo rin ang iyong sarili na kumain ng mga pagkaing may masamang epekto sa iyong kalusugan. Muli mong ilunsad ang “operation pagpapa-sexy” upang matuwa ang iyong minamahal. Markahan ang 3, 18, 29, 34, 38 at 47. Pink at blue ang buenas. Gemini – (May 21-June 21)- Sa lovelife, tuparin ang pangako sa minamahal sa darating na summer magbakasyong grande kayo sa Boracay. Sa pinansiyal, iwasang sumira sa isang transaksyong matagal ng shut-sa-balde. Markahan ang 5, 14, 23, 34, 41 at 49. White at lilac ang buenas. Cancer – (June 22- July 22)- Kailangan ang dagdag na pahinga upang magbalik ang sigla. Umuwi muna sa probinsiya, mag-relaks-relaks at manguha ng mga mangga. Sa lovelife, laging isama ang kasuyo, saan man mag-punta. Markahan ang 5, 16, 25, 34, 40, at 49. Green at orange ang buenas. Leo – (July 23 – August 22)-Kung ang iba ay namumroblema sa career at aspetong pangpinansyal, ang sa iyo ay tuloy sa pagsikat at paganda pa ng paganda ang iyong kapalaran higit lalo na pagpasok ng panahon ng tag-araw. Sa lovelife tuloy ang masaya at nakakikilig na relasyon. Markahan ang 1, 10, 28, 34, 40 at 47. Yellow at lilac ang buenas. Virgo – (August 23 – September 22)-Kahit mahilig komontra ang kapareha, hindi mo siya dapat itsapuwera. Mag-combine force kayo upang masimulan ang negosyong may kaugnayan sa modernong kumunikasyon. Markahan ang 5, 18, 23, 34, 38 at 43. Violet at purple ang buenas. Libra – (September 23-October 23)-Maglaan ng budget para sa pagbabakasyon. Masarap gumimick at mag-swimming sa panahong ito ng tag-araw. Sa lovelife wag kalimutang bitbitin ang kasuyo sa pag-a-outing. Markahan ang 3, 9, 18, 27, 34, at 48. Blue at pink ang buenas. Scorpio – (October 24 – November 21)-Habang sagana, umpisahan ng mag-ipon. Hindi paramihan ng pera o suweldo ang labanan, kundi paramihan ng savings. Sa lovelife kung sino ang maraming pera, siya ang matagumpay at maligaya. Markahan ang 6, 17, 23, 25, 34, at 46. Red at beige ang buenas. Sagittarius – (November 22 – December 21)- Sa araw na ito wag pairalin ang katarayan. Hindi ka kikita ng malaking halaga kung lagi kang nagsusungit. Sa lovelife, wag awayin ang kasuyo at pagkatapos ikaw na naman ang hihingi ng sorry. Markahan ang 7, 18, 29, 39, 40 at 49. Blue at pink ang buenas. Capricorn – (December 22 – January 19)-Walang mangyayari sa buhay kung maghihintay ng suwerte. Magpakasipag ka at tipirin ang iyong kinikita. Yan ang sure na paraan upang umunlad. Sa lovelife hindi ka iiwan ng kasuyo hanggat alam niyang mapera ka. Markahan ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Green at yellow ang buenas. Aquarius – (January 20 – February 18)- Iwasang gumawa ng mali na maaaring pagsisihan habang buhay! Sa lovelife, manatiling tapat at malambing sa kasuyo kahit ngayon lang malapit na ang Araw ng mga Puso. Sa pinansyal, tuloy ang pasok ng maraming pera sa kabang yaman. Markahan ang 2, 7, 19, 29, 37, at 48. Maroon at green ang buenas. Pisces – (February 19 – March 20)- Haluan ng panalangin ang relasyon. Mamayang gabi, sa harap ng altar magsindi ng kadilang pula, yayain ang kasuyo na ipagdasal ang inyong tagumpay at masarap na suyuan. Sa pinansyal, nakapagpapayaman din ang pagiging madasalin. Markahan ang 1, 19, 22, 36, 40 at 49. Bukod sa red buenas ang lilac.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending