PINATUNAYAN nina Aicelle Santos, Mariciris Garcia at Jonalyn Viray na walang away na namamagitan sa kanilang tatlo tulad ng paniniwala ng ilang fans.
Kumalat sa social media ang muling pagsasama-sama ng tatlong singers sa isang comedy bar nitong weekend ilang taon matapos mabuwag ang dati nilang grupo na La Diva.
Isang Facebook user na may pangalang Aber Dominguez ang nag-upload ng video kung saan mapapanood ang peformance nina Aicelle, Jona at Maricris. Kinanta nila ang “Angels Brought Me Here” ng Australian singer na si Guy Sebastian.
In fairness, mahigit 130,00 views na ang nakuha ng nasabing video. Ibig sabihin marami na rin ang nakaka-miss sa La Diva na nabuo sa Sunday musical variety show ng GMA na SOP noong 2008.
Taong 2015 naman tuluyang nabuwag ang La Diva. Sina Aicelle, Maricris at Jona ay pare-parehong produkto ng Kapuso singing search na Pinoy Pop Superstar.
At dahil sa viral video ng tatlong singers, marami ang nag-suggest na gumawa sila ng reunion concert dahil tiyak na maso-soldout ito sa dami ng gustong makapanood uli sa La Diva.