14-day quarantine leave sa sumundo sa mga Pinoy sa Wuhan, China isinulong

NANAWAGAN ang Trade Union Congress of the Philippines sa airline companies na bigyan ng 14-day quarantine leave ang mga piloto at cabin crew na sumundo sa mga Filipino na nasa Hubei province, ang ground zero ng 2019 novel coronavirus.

“Right now, these cabin crew and pilots didn’t have hazard pay compensation for the several trips they had and the mandatory quarantine period they made had days ago,” ani TUCP Rep. Raymond Mendoza.

Wala umanong government regulation sa kasalukuyan para sa pagbibigay ng hazard pay compensation para sa mga empleyado na ipinadala sa Hubei, China.

 “Medicines and hospitalization expenses during quarantine period should be shouldered either by government or by business owners,,” saad ng mambabatas.

Read more...