‘DOTS’ nina Dingdong at Jennylyn suportado ng AFP; tribute sa mga sundalo

DINGDONG DANTES AT JENNYLYN MERCADO

Hindi lang mga Pinoy supporters ng Korean drama ang excited sa pagsisimula ng seryeng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) ng GMA kundi pati na rin ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Suportado at rekomendado ni Philippine Army Special Forces Regiment (Airborne) commander Brigadier General Lincoln Francisco Tagle ang DOTS dahil sa konsepto at tema nito na tatalakay sa buhay ng mga sundalo. Bida rito sina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Lucho Ayala, Jon Lucas at Prince Clemente na gaganap bilang ma miyembro ng elite special forces unit ng Philippine Army.

“Naide-depict through this series ang ating Special Forces, ang ating kasundaluhan, kung ano ang papel niya, kung ano ang contribution n’ya, kung ano ang epekto nito both sa profession at saka personal na buhay,” ani BGen. Tagle. Naniniwaka siya na malaki ang maiaambag ng DOTS para mas “ma-develop pa ang patriotism” sa mga Pinoy.

Bukod dito, umaasa siya na sa pamamagitan ng bagong serye ng GMA na mas marami pang mahihikayat na sibilyan na sumali sa reserve forces ng AFP tulad nina Dingdong (Lieutenant Commander ng Navy reserve force) at Rocco (Petty Officer Third Class). Magsisimula na ngayong Lunes ang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa GMA Telebabad, kapalit ng The Gift. Bida rin dito sina Jennylyn Mercado at Jasmine Curtis.            

Read more...