Pinuri ng netizens ang genuinely heartfelt birthday message ni Neri Naig sa asawang si Chito Miranda na nag-birthday recently.
Sa kanyang mahabang message sa Instagram ay ipinadama ni Neri ang kanyang pagmamahal kay Chito.
“Naalala mo ba nung una tayong nagkita? From the very moment that I saw you, alam ko na hindi tayo para sa isa’t isa, haha!
“Pero lahat ay nagbago nung nakilala ko kung sino ang tunay na ikaw. Sinabi mo sa akin noon, kapag ikaw ang naging boyfriend ko, maswerte ako.
“Tinawanan lang kita kase ang kapal ng mukha mo. Pero totoo pala na maswerte ang babaeng mamahalin mo dahil marunong kang mag-alaga at magmahal.
“Hindi man palaging ok ang mga araw natin pero palagi kang andyan na sinisiguro na masaya ako at di nagwoworry. Ikaw talaga ang nagpapakalma sa akin. Marinig ko lang ang boses mo, narerelax na ako. Paano pa kaya kapag niyakap mo pa ako? Feeling ko nasa safest place ako sa mga yakap mo.
“Hindi ka nahihiyang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano mo ako kamahal at talagang pinagmamalaki mo na ako ang iyong asawa kahit rinding rindi na ang mga kausap mo, haha!
“Hindi ko ma-imagine ang buhay nang wala ka sa piling ko. Sobrang mahal na mahal na mahal kita. Gusto ko lang nakayakap sayo palagi. Walang araw na hindi mo ako pinapatawa at walang araw din na hindi mo ako binubwisit, haha! Pero kahit nasusungitan kita minsan, please wag mong isipin na hindi kita mahal o nabawasan na ang pagmamahal ko sayo.
“Mahal na mahal kita, asawa ko. Magtatawanan at mag-aasaran tayo hanggang sa pagtanda natin. Aalagaan natin ang isa’t isa. Walang iwanan. I love you! Happy birthday, baby ko!”
Very positive ang response ng netizens. Nainggit sila sa couple.