Mga benepisyo ng pasyenteng hinihinalang infected ng nCoV

MAS pinalawak na benepisyo para sa mga pasyenteng hinihinalang may corona virus ang nakapaloob sa bagong package ng PhilHealth.
Inaprubahan ng Philheath Board of Directors ang benepisyo para sa mga pasyenteng miyembro ng PhilHealth na kailangang sumailalim sa isolation at quarantine dahil sa posibleng impeksiyon sa 2019-nCOV sa mga pasilidad pangkalusugan batay sa payo ng mga dalubhasang duktor.
Sa kasalukuyan, ang gamutan sa corona virus infection ay binabayaran ng PhilHealth sa pamamagitan ng case rates.
Sa mga malubhang kaso kung saan ang impeksiyon ay humahantong sa moderate o high-risk pneumonia, ang mga ito ay pawang binabayaran din ng ahensiya.
Sa ilalim ng corona virus package may P1,000 per day para sa hospital kahit hindi kumpirmado o suspected pa lamang sa corona virus
Sa pneumonia para sa package of mild ay may P16,000 habang P32,000 naman sa severe.
Upang mapigilan ang pagkalat ng 2019-nCOV, sinusuportahan ng PhilHealth ang panawagan ng Kagawaran ng Kalusugan sa publiko na maging malinis, magkaroon ng tamang personal hygiene kasama na ang palagiang paghuhugas ng kamay, at hangga’t maaari ay ang pag-iwas sa mga matataong lugar.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Hotline: (02) 8441-7442
Text Hotline: 0917-8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: actioncenter@philhealth.gov.ph
FB: https://www.facebook.com/PhilHealthofficial/
Twitter: https://twitter.com/teamphilhealth
Youtube: www.youtube.com/teamphilhealth

***

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

***
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq

Read more...