ENGAGED na si Kris Bernal!
Sa mismong birthday ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Perry Choi naganap ang marriage proposal.
Gulat na gulat ang Kapuso actress nang lumuhod si Perry sa kanyang harapan at tanungin ang mga katagang “Will you marry me?”
Siyempre, yes agad ang sagot ni Kris na sinundan nga ng pagsusuot ni Perry ng singsing sa daliri niya.
Sa Facebook account ng Nice Print Photography, makikita ang ilang litrarto na kuha sa pagpo-propose ni Perry kay Kris. May caption itong, “So this just happened.”
Three years nang karelasyon ni Kris ang kanyang boyfriend na isang businessman at chef na isa rin sa mga nagpapayo sa kanya pagdating sa business. Nito lang Enero, isang madamdaming New
Year message ang ipinost ni Kris sa Instagram para kay Perry.
“I want to thank you for the endless things you do for me and for everything that you are, @choi.perry. For loving me endlessly, honestly, constantly, completely, with all your heart, mind, and being! Seriously, I can just count in my fingers our tampuhans this year! 3 out of 365 days? No major major!
“I want to thank you for enduring the emotional roller coaster of my 2019. For being always there for me.”