Iwa Moto umaming bipolar; tuloy ang laban kontra mental illness

IWA MOTO EVE AT PAMPI LACSON

INAMIN ng dating Kapuso actress na si Iwa Moto na patuloy ang pakikipaglaban niya sa mental illness.

At kahit hirap na hirap na siya, hindi pa rin siya sumusuko alang-alang sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Sa kanyang Instagram account, inihayag ni Iwa na na-diagnose siya ng pagiging “bipolar with severe panic attack, post-traumatic stress disorder (PTSD), and restless leg syndrome (RLS).”

Narito ang ilang bahagi ng kanyang IG post: “Everyday I fight my condition. I take my meds. And i put on a smile. I am surviving everyday. Having mental health issues is hard. Esp with the stigma.

“But its ok. I have accepted it and I AM OK with it. I am learning to live with it, but at the same time doing my best not to be defined by my illness. I am striving to become a better version of me everyday. I AM A WARRIOR.”

Bumuhos naman ang positibong mensahe at komento mula sa mga netizens nang mabasa nila ang kuwento ni Iwa. May mga nagsabing huwag daw siyang susuko sa laban dahil may awa ang Diyos at pagagalingin din siya.

Sa ngayon, pilit na lumalaban si Iwa para sa kanyang anak na si Eve at sa partner niyang si Panfilo Lacson Jr., o Pampi, ang ex-husband ni Jodi Sta. Maria.

Maganda ang relasyon ngayon nina Jodi at Iwa matapos silang magkasundo at maging magkaibigan alang-alang sa kanilang mga anak. Ang panganay ni Jodi na si Thirdy ay anak niya kay Pampi.

“I am very thankful din don sa friendship namin ni Aileen (Iwa) at nagpapasalamat ako kasi si Aileen din ‘yung tumatayong pangalawang ina ni Thirdy ‘pag nandoon siya sa daddy niya,” sey pa ni Jodi sa isang panayam.

Read more...