JC may request sa mga katrabaho pag nanganak si misis

BLESSING at lucky charm ang turing ni JC Santos sa pagbubuntis ng kanyang asawa sa panganay nilang anak.

Sa panayam ng ilang reporter kay JC pagkatapos ng premiere night ng latest movie niyang “On Vodka, Beers And Regrets” sa Ortigas Cinema ng Estancia Mall, manganganak na ang kanyang misis ngayong buwan kaya super excited na silang mag-asawa.

“Nu’ng malaman ko na nandiyan na siya, sunud-sunod na talaga yung projects ko. So, isa siyang blessing sa akin. Dumami ang projects ko,” pahayag ng aktor.

“Excited na ako, kaming lahat, kinakabahan lalo na ngayon, in two weeks na lang. Anytime soon lalabas na siya. Kinakabahan ako na baka may shooting ako.

“Sinabihan ko naman sa work, sabi ko, ‘Heads up lang ako, baka kung manganak yung asawa ko, aalis muna ako, ‘tapos babalik na lang ako.’ Naintindihan naman nila,” sey pa ni JC.

Halos lahat ng fans niya ay natuwa nang malamang magiging daddy na siya at naniniwala ang mga ito na magiging responsable at mapagmahal siyang tatay.

“Maraming salamat sa kanila, ako rin, positive sa akin na magiging daddy na ako. On a cloud ako ngayon, nandoon ako sa focus ako kung ano yung in the moment. Nagbabantay ako ng asawa kasi nga buntis. Doon muna ako ngayon, so I’m enjoying it,” sey pa ng leading man ni Bela Padilla sa latest hugot movie ng Viva Films na “On Vodka, Beers And Regrets”.

Showing na ito ngayon sa mga sinehan nationwide, sa direksyon ni Irene Villamor.

Read more...