NAKATUTUWANG mabalitaan na kumikita ngayon ang “On Vodka, Beers And Regrets” nina Bela Padilla at JC Santos directed by Irene Emma Villamor produced by Viva Films.
Sa panahong kakaunti lang ang nagpupunta sa mga shopping malls dahil sa corona virus scare ay mukhang naka-jackpot uli ang Viva sa bago nitong hugot movie.
Ilang beses kaming napadpad sa Trinoma, Gateway at Robinsons Magnolia dahil sa mga event na dinaluhan namin at nakakagulat na makitang walang masyadong tao considering na Biyernes at Sabado.
Iisa lang ibig sabihin, takot talaga ang mga taong maglalabas ngayon dahil sa corona virus. Mas gugustuhin na lang nilang manood sa Netflix, iWant at iba pang platforms sa bahay habang umiinom ng vodka, beers, wine o kumakain ng popcorns, mani at pizza.
Anyway, natanong sina Janice de Belen at Joross Gamboa na kasama sa iWant digital series na “Fluid” kung ano ang masasabi nila na apektado ng corona virus ang mga pelikulang nagbubukas ngayon sa sinehan dahil hindi nga kumikita.
Ayon kay Janice, “Mask is a prevention, mask is one way of defending yourself from this virus – hygiene, cleanliness, you need to strengthen your immune system, you need to take care of yourself.
“Feeling ko nu’ng bata ka, di ba puyat ka nang puyat, ‘hindi kaya ‘yan okay lang ‘yan, magkasakit ako, isang araw lang, bukas okay na ako, inuman ko lang ng vitamin c or uminom lang ako ng sangkaterbang orange juice okay na ako.’
“I think, nowadays it’s very different na because everything is changing, there’s climate change, there’s fluid, there are so many things that are changing so as our health, so we need to protect ourselves, wearing a mask, always carrying alcohol, hand sanitizer is one way of feeling secured.
“Kung hindi ka naman maingat sa sarili mo, kahit na gaano kadaming mask, kahit patong-patong na mask pa ang isuot mo, kahit na sangkaterbang alcohol, you will get sick,” mahabang pahayag ni Janice.
Para kay Joross, “Ang pinaka-importante kasi at lagi kong napapansin sa mga tao, mag-mask, mag-mask. Pero ‘yung corona virus ngayon hindi siya airborne katulad ng Sars. Ang corona nakukuha sa droplets kaya ang importante talaga, maghugas ng kamay lalo na ‘yung sa mga taong (maraming nahahawakan).
“Lalo na nu’ng nasa airport ako, kahit mahuhulog ka sa hagdan ayaw mong kumapit sa mga bakal ang hirap naman ng ganu’n pero siyempre hindi naman maiiwasan kaya proper hygiene talaga. Kaya kailangan pagkauwi mo ng bahay, maligo ka, kahit pagod, palit damit, everything, hygiene lang,” lahad ng aktor.