Horoscope, Feb. 7, 2020 | Bandera

Horoscope, Feb. 7, 2020

Madam Sophia |February 07,2020
facebook
share this

Horoscope, Feb. 7, 2020

Madam Sophia - February 07, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Bukod sa pagbo-blow-out, simulan ang araw sa pagsisimba. Isama ang kasuyo sa anumang lugar na may kaugnayan sa religious service. Sa ganyang paraan, tuloy-tuloy ang pasok ng suwerte at magandang kapalaran. Markahan ang 4, 7, 20, 27, 34, at 43. Green at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)- Kikita ng malaking halaga basta’t ituloy mo lang ang lahat ng iyong mga binabalak at iniisip. Oo sa panahong ito ng iyong buhay, sobrang papaburan ka ang langit. Wag dominahan ang kasuyo upang wag siyang magtanim ng galit at sama ng loob, lalo na’t malapit na ang Araw ng mga Puso. Markahan ang 9, 18, 21, 28, 42 at 46. Red at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Sikaping mapaligaya ang kasuyo upang habang lumalapit ang araw ng mga puso lalo pang umigting ang inyong pagmamahalan. Kapag laging masarap at magana ang romansahan mas madaling makakamit ang suwerte at magandang kapalaran. Markahan ang 3, 9, 18, 27, 33 at 46. Lilac at black ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)- May oportunidad na darating na may kaugnayan sa pangingibang bansa – sunggaban mo agad. Sa lovelife, wag ng pakawalan ang kasalukuyang minamahal, katugma mo siya. Markahan ang 5, 18, 25, 37, 40 at 49. Blue at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)- Pera na naman ang magiging problema! Itigil na kasi ang negosyong hindi naman kumikita. Sundin ang suwesyon ng kasuyo, na magtipidtipid muna at magipon. Habang lumalaki ang buwan sa langit, maraming suwerte at masasarap na karanasan ang darating. Markahan ang 2, 11, 19, 32, 39, at 49. White at magenta ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)-Wag patulan ang isang kasamahang atribida, sisirain lang nya ang araw mo. Mag-concentrate sa ginagawa, sapagkat ito ang araw na malaking premyo ang matatanggap mo buhat sa itaas. Sa lovelife, sa kasuyo ikuwento ang lahat ng sama ng loob, mauunawaan ka nya. Markahan ng 1, 4, 16, 24, 34, at 48. Yellow at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)- Isang nilalang na pandak na mataba ang dapat iwasan upang hindi ka mapahamak. Bagamat bubusugin ka niya ng pagmamahal, sa bandang huli maaaring magkahiwalay din ang inyong landas. Markahan ang 5, 9, 24, 34, 40 at 48. Gray at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Magiging magara ang kapalaran! Magkahalong suwerte at malas ang darating. Sa lovelife, sisisihin ka na naman ng kasuyo sa kasalanang hindi mo naman ginawa – wag sabayan ang kanyang galit! Markahan ang 3, 9, 29, 33, 37, at 49. Lilac at gold ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)-Labis lamang ang pagmamahal sa iyo ng kasuyo kaya siya madalas magselos. Mamayang gabi, romansahin siya ng todo upang mawala ang pagka-praning. Sa pinansyal, upang yumaman magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Markahan ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Blue at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Walang ibang maaasahan upang umunlad at umangat ang kabuhayan ng inyong pamilya kundi ikaw. Kaya obligado kang magsipag! Sa lovelife, iwasang awayin ang kasuyo, upang wag mapurnada ang mainit na romansa sa darating na Valentine’s day. Markahan ang 3, 15, 27, 37, 41 at 47. Pink at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Gagantimplaan ka ng tadhana dahil sa pagiging matungin. Kusang madadagdagan ang kinikita habang tumutulong ka sa iyong kapwa. Sa lovelife, lalong iinit ang pakikipagniig sa isang Cancer. Markahan ang 8, 14, 22, 26, 35 at 45. Gold at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18- Sariling intuition ang sundin upang kumita ng malaking halaga at upang habang buhay kang lumigaya. Sa lovelife wag titigil – magmahal ka lang ng magmahal hanggang matuhog mo ang iyong soul mate. Markahan ang 5, 19, 22, 31, 37 at 45. Magenta at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)-Panahon na upang pasyalan ang mga romantikong lugar. Iplano ang paglalakbay sa Boracay o kaya’y Palawan, Oo ngayon pa lang dapat ng pag handaan ang Summer Vacation upang lalo pang uminit at sumarap ang pagmamahalan. Markahan ang 7, 13, 25, 31, 40 at 48. Red at violet ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending