Mika isinugod sa ospital, tinamaan ng dengue


ISINUGOD sa ospital si Mika dela Cruz matapos tamaan ng dengue. Ito ang ibinalita niya sa kanyang fans and followers sa social media.

“Last October na-confine din ako dito because of a viral + bacterial infection. Last week naunang na-confine si mommy for dengue, ako nagbantay sa kanya sa ospital hanggang sa kakapuyat nilagnat nadin ako. Ayun parehas na pala kaming na-dengue sa sarili naming bahay.

“To everyone who’s busy sa kani-kanyang mga buhay at trabaho na nakakalimutan niyong alagaan at kamustahin ang sarili niyong mga katawan please do it.

“Tinatawanan ko lagi bestfriend ko kapag pinipilit niya akong uminom ng vitamins at binabatukan niya nalang din ako kapag bumigay na katawan ko,” post ni Mika sa Instagram. Payo naman niya sa lahat, “Take that rest day. Drink your vitamins. Sleep early when you can. Go on that much needed vacation. Breathe and listen to your body. Mahirap magkasakit, masakit din sa bulsa.”

Read more...