Tambalang Alden at Nadine trending; ‘AlDine’ fans may request agad

FROM Kathryn Bernardo to Bea Alonzo at ngayon nga ay si Nadine Lustre naman ang makakasama ni Alden Richards.

Nope! Hindi ito mangyayari sa movie o teleserye kungdi sa promo ng isang canned tuna para sa bagong campaign nito sa pagpapaganda ng katawan.

No wonder, itong si Alden ay sige sa paglalantad ng hinulma niyang katawan sa Instagram, huh! May rason pala ang Asia’s Multimedia Star sa ginagawang pagpapa-yummy at hindi lang basta para patuyuin ang laway ng mga fans, lalo na ng mga beki.

Agad namang na-excite ang supporters nina Alden at Nadine kaya agad nilang binuo ang AlDine tandem at nanawagan na sana’y makagawa rin sila ng pelikula. Sa mga nakita naming litrato ng dalawa ay talaga namang perfect ang pagkakapili sa kanila bilang ambassador ng kaseksihan.

Samantala, lumutang muli ang husay ni Alden sa nakaraang episode ng The Gift na matatapos na bukas. Ito ‘yung eksena kung saan sinabi na sa kanya ni Jo Berry (bilang si Nanay Straw) na ang tunay niyang ina ay si Jean Garcia (Nadia).
Grabe ang tuluy-tuloy na pagtulo ng luha ng aktor kaya talagang nadala at nakiiyak sa kanya ang manonood.

Sa pagtatapos ng The Gift ngayong Biyernes ay hindi pa rin mababakante si Alden sa trabaho dahil sa Feb. 16 ay magsisimula naman ang pinakabagong talent search ng GMA para sa mga kids, ang Centerstage kung saan siya ang magiging host.

 

Read more...