KUNG may mami-miss ang Kapuso actress na si Jo Berry sa inspirational GMA Telebabad series na The Gift, ‘yan ay ang kainan ng cast and crew sa kanilang taping.
Ayon kay Jo na gumaganap na nanay-nanayan ni Alden Richards sa serye bilang si Nanay Straw marami siyang ite-treasure na bonding moments nila sa set ng The Gift. Bukod sa kulitan nila ng Pambansang Bae at ng iba pa nilang co-stars, mami-miss niya ang mga mumunting salo-salo nila.
“Kapag may birthday, maraming pagkain kasi ang saya-saya namin!” ani Jo. Mami-miss din niya ang lahat ng nakatrabaho niya sa The Gift dahil sa ilang buwan nilang magkakasama naging pamilya na rin ang turingan nila, lalo na sina Alden at Elizabeth Oropesa na naging nanay niya sa serye.
In fairness, pati si La Oro ay naging favorite character din ng viewers sa The Gift dahil sa mga waging hirit niya. Aniya, hinding-hindi niya malilimutan ang pagte-taping nila sa Maynila.
“‘Yung kami noon sa Quiapo, noong maliit pa at noong lumaki si Sep (Alden), ‘yung sa Divisoria, at ‘yung with Bembol (Roco),” ani La Oro.
Tutukan ang huling dalawang gabi ng The Gift, pagkatapos ng Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday sa GMA Telebabad.