Awra bawal pang magkadyowa: Kung may maghihintay…pag 18 na ako

AWRA BRIGUELA

BAWAL pang magka-boyfriend ang Kapamilya teen star na si Awra Briguela. ‘Yan ang kanyang pahayag sa nakaraang presscon ng pelikulang “James & Pat & Dave”.

Naitanong kasi kay Awra kung totoong karelasyon na niya ang lalaking madalas niyang kasama sa kanyang mga viral Tiktok post, si Feng dela Cruz (o Raffy Rubia dela Cruz). Sweet na sweet kasi sila sa kanilang mga video kaya inisip ng madlang pipol na sila na. May mga nag-comment pa nga na pwede na silang tawaging young counterparts nina Vice Ganda at Ion Perez.

“Hala grabe! Wala po yun. Hindi ko talaga siya naging dyowa!” sagot ni Awra na tinuksu-tukso pa ng co-star niya sa pelikula na si Loisa Andalio. Kaya sinagot niya ito ng, “Hindi nga! Ha-hahaha! Nagalit?! Ewan ko nga bigla na lang kami nag-viral eh more on Tiktok lang naman ginagawa namin. Tiktok!”

“Nu’ng nag-viral na kami at marami na ang nakakaalam, parang nag-lie low na lang kami sa isa’t isa. Gusto ko klaruhin na hindi ako nagkaroon kahit isa. Bata pa po ako pero kung may maghihintay dyan okay lang din,” ani Awra.

Showing na ang “James & Pat & Dave” sa Feb. 12. Kasama rin sa movie sina Donny Pangilinan at Ronnie Alonte, mula sa Star Cinema.

Read more...