NAG-TRENDING recently ang FPJ’s Ang Probinsyano and it was all because of Lolo Delfin’s (Jaime Fabregas) arrest warrant.
Nagkagulo sa social media. Uminit ang ulo ng netizens. Galit na galit sila kay Lily, ang character ni Lorna Tolentino. Mad din sila kay Presidente, played by Rowell Santiago.
“Piste talaga yang Lily Ann Cortes. Hayaan mo Lolo Delfin lalabas at lalabas ang katutuhanan. At pag dumating ang araw na yan magsisisi ka President Hedalgo. Naniniwala ka sa asawang mong demonyo.”
“Do everything you can to help Lolo Delfin. Kawawa naman siya makukulong ng kasalanan na hinde naman niya ginawa. Kakainis daming masasamang tao ang nagiging panalo. You will be sorry president kaw ang papatalsikin ni Lily and by that time kakailanganin mo sila Cardo.”
“Sus Lily pag nakita kita tanggalan kita ng mata hayop ka!”
Of course, si Cardo Dalisay, played by Coco Martin, ang tanging dasal ng lahat na makapagliligtas kay Lolo Delfin.
Talagang until now ay hindi pa rin talaga napapataob ang FPJ’s Ang Probinsiyano. Ang dami pa ring affected much sa mga kaganpan sa show. Being the number one teleserye in the land, malayo pa ang mararating ng show at marami pa itong patataubing teleserye.