Sino kina Daniel, Enrique at James ang gustong makarelasyon ni Ruffa?

RUFFA GUTIERREZ

ALIW na aliw naman ang mga manonood sa guesting ni Ruffa Gutierrez sa Gandang Gabi Vice last Sunday.

Tinanong kasi ni Vice Ganda ang aktres at dating beauty queen kung sino kina Daniel Padilla, Enrique Gil at James Reid ang gusto niyang makarelasyon.

Sa “Sagot o Lagot” segment ng GGV agad na sinabi ni Ruffa na hindi niya pipiliin si Daniel dahil inaanak niya ito, “Obviously, out si Daniel kasi inaanak ko ‘yan. Medyo kadirs naman, ‘di ba, na parang, ‘eww!'”

“Si James. Pero, tuturuan ko siyang maging homebody kasi lakwatsa nang lakwatsa, ‘di ba? Si Enrique kasi masyadong tisoy, parang, gusto ko medyo bad boy pero hindi naman kasing bad boy ni James.”

Sabi naman ni Vice, magalang at mabait naman si James sa tunay na buhay na sinagot naman ni Ruffa ng, “Hindi, mabait siya pero ‘di ba ‘yung parang…may pagka-bad boy.”

Read more...