Rey Cañedo naghari sa World Pitmasters Cup Big Event

 

IPINAKITA ng winning team ng “RC Warriors” entry ni Rey Cañedo ang kanilang tropeo matapos magwagi sa 1st World Pitmasters Cup 220K Pot 10-Cock Big Event.

 

SOLONG pinagharian ng “RC Warriors” entry ni Rey Cañedo ang 1st World Pitmasters Cup 220K Pot 10-Cock Big Event nitong Pebrero 4 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa Pasay City.

Ang pambato ng respetadong breeder mula Davao City ay umiskor ng 7.5 puntos sa 5-cock elimination round at 5-cock Finals para maungusan ang 36 iba pang katunggali at masungkit ang Big Event trophy.

Naiuwi rin nito ang malaking bahagi ng P7.4 milyon na kabuuang premyo ng side event ng January edition ng 2020 World Pitmasters Cup na kasalukuyang ginaganap sa nasabi ring lugar.

Binitawan na ang may apat na araw na 3-cock semis nitong Pebrero 5 kung saan may 74 entry ang may 2 puntos, 30 entry ang may 1.5 puntos at 158 entry ang may 1.0 puntos.

Ang Grand Finals ay bibitawan sa Pebrero 12.

Kailangan ng apat na puntos ng sinuman sa finals para makopo ang korona ng January 2020 World Pitmasters Cup na nagtala ng record-breaking­ 376 entries at may P30.08-million total pot.

Ang world-class derby na ito ay suportado ng Resorts World Manila, Thunderbird, Thor MP Wash, Excellence Poultry and Livestock Specialist, VNJ Distributors, Rusi Motorcycles, King Slasher­ at Experto Gamefowl Products. Ito ay may basbas ng Games and Amusements Board (GAB).

Read more...