PATULOY na nagbubukas ang mga oportunidad para sa mga Filipino nurses dito sa Pilipinas at sa abroad.
At bakit nga ba mas pinipili ng mga foreign employer na magtrabaho sa mga dayuhang hospital ang mga kababayan nating nurse?
Bukod kasi sa tinagurian silang may TLC o tender loving care, hindi talaga matatawaran ang tunay na malasakit ng mga Pinoy nurses sa kanilang mga pasyente. Ginagawa nila ang higit pa sa kanilang job description na hindi ginagawa ng ibang lahi.
Mahal kasi nila at inaaring kapamilya ang kanilang mga inaalagaan. Pinepersonal nila ika nga ang kanilang mga gawain. Itinuturing nilang mga magulang at kapatid ang mga pasyenteng ito anuman ang kanilang lahi.
At hindi lang iyan. Kapag naipit sa nagdidigmaang mga bansa at paglaganap ng mga malulubhang mga sakit at epidemya, mas pipiliin pa ng ating mga Pinoy nurses na manatili sa mga ospital na kanilang pinaglilingkuran sa halip na umuwi.
Hindi dahil sa pinangangakuan silang tataasan o dagdagan ang kanilang mga suweldo, bonus na lamang iyon! Kundi dahil sa kanilang personal na awang nararamdaman.
At dahil marami rin sa kanilang mga kasamahan sa ospital ang nagsipag-uwian na dahil na rin sa takot para sa kanilang sariling mga kaligtasan, pero ang mga Pinoy nurse naman, nananatili pa rin dahil alam nilang wala nang mag-aasikaso sa kanilang mga pasyente dahil kulang na rin ang kanilang medical personnel at mga doktor na dapat nilang inaasistihan.
Pero kahanga-hanga rin ang katuwiran ng mga nurses na piniling manatili sa bansa sa halip na mag-abroad. Kung lahat ay aalis ng bansa at magiging OFW, e di wala nang maiiwang nurse sa mga ospital sa Pilipinas. At totoo naman iyon!
Kaya anuman ang naging desisyon nila, magtrabaho sa abroad o nurse sa sariling bayan, ang mga Filipino nurses natin ang tunay na mga bayani.
Karapat-dapat lamang sila sa paghanga at paggalang ng kanilang mga kababayan at maging ng mga dayuhan man.
***
Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com
Pinoy nurses tunay na bayani
READ NEXT
Gusto mag-loan muli
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...