Janitor sa ABS-CBN pinagtripan ni Angeline: Pasensiya na po Tay…

ANGELINE QUINTO

Nanawagan ang singer-actress na si Angeline Quinto sa kanyang Facebook page tungkol sa kanyang poser sa FB (Quinto Atq).

Mensahe ni Angeline, “Hi everyone, makikisuyo lang po sana ako sa lahat, kung nasa list of friends niyo rin po ang isang account ko na ‘Quinto Atq’ may ibang tao na po na gumagamit ng account, humihingi po siya ng pera sa lahat ng kaibigan ko at kahit sa mga kaibigan ko sa U.S Canada at Europe.

“Paki sabihan nalang din po ang ibang kilala niyo na hindi po ako ‘yun. Mag ingat po ang lahat sa mga manloloko na yan. Maraming Salamat.”

Samantala, umandar na naman ang kalokohan ni Angge nang may madaanan siyang taga-maintenance sa ABS-CBN na may inaayos sa hallway ng ELJ Building.
Kunwari’y nagtatakbo siya sabay sabing, “Kuya bilisan mo, may tao!” Nagulat siyempre ang mama at nakitakbo rin hanggang sa naisip na pinagtripan lang siya ng dalaga.

Caption ni Angeline sa video na ipinost niya, “Naabutan ko si Kuya gumagawa ng sahig mag isa. Naisip ko lang pasayahin siya. Pasensya napo ‘Tay at Salamat po.”

 

Read more...