UMABOT na sa 27 katao sa Metro Manila ang kabilang sa patients under investigation (PUIs) kaugnay ng novel coronavirus, ayon sa Department of Health (DOH).
Idinagdag ng DOH na sa kabuuang bilang 22 ang nananatili sa ospital, samantalang dalawa na ang nakalabas.
Kabilang sa 27 ang 29-anyos na Chinese na namatay noong Enero 29 dahil sa HIV bagamat nagnegatibo sa nCoV at ang 44-anyos na Chinese mula sa Wuhan na namatay noong Pebrero 1.
Kasama rin ang 38-anyos na babaeng Chinese na nagmula sa Wuhan na unang idineklarang nagpositibo sa virus.
Kabilang 27 PUIs sa Metro Manila sa kabuuang 80 PUIs na monomonitor ng DOH.
Bukod sa National Capital Region, kabilang sa may mga PUIs ang Central Luzon, 15; Central Visayas, 11, kasama na ang nakalabas; Western Visayas, walo, kasama ang limang nakalabas na at Northern Mindanao at Davao Region, na may tig-lima, kasama ang tig-iisang nakalabas na.
Samantala, apat ang naitala sa Mimaropa; tatlo sa Ilocos Region; Cagayan Valley at Eastern Visayas, tig-iisa.
“PUIs still confined in hospitals have been put in isolation,” sabi ng DOH.