IBANG-IBA ang kumpiyansa at dating ng artistang suportado ng mga magulang ang career. Malaki rin ang pagkakaiba ng personalidad na nagagabayan ng kanyang mga magulang.
At kitang-kita rin kapag walang suporta ng mismong pamilya niya ang isang artista. Madali siyang mapariwara, nagdedesisyon nang pumapalya, kumikilos nang hindi naaayon sa kagandahang-asal.
Ganu’n ang nakikita ng mas nakararami sa isang kilalang female personality na sobrang nagpapakita ng kalayaan. Wala siyang takot na gumawa ng mga bagay-bagay na maglalagay sa kanya sa alanganin.
Kuwento ng isang chikadorang impormante, “Nu’ng una naman, e, hindi ganu’n ang young female personality, maayos ang mga ginagawa niyang decisions sa buhay, nu’ng magtagal na lang siya nagkaganu’n!
“May nakaimpluwensiya na lang sa kanya, nahaluan na lang siya ng ibang paniniwala, hindi siya ganyan dati! Maayos siya, masunurin sa parents niya,” unang sultada ng aming source.
Kahit ang mga kaibigan ng young actress ay nagugulat na lang sa mga ginagawa niyang desisyon, nakagugulat nga naman kasi ang mga ginagawa niya, sumobra ang lakas ng loob at kumpiyansa niya.
Balik-chika ng aming source, “Siguradong may hindi kagandahang influence na pumasok sa buhay niya, kaya ganu’n. Nakakagulat kasi ang mga pagbabago niya.
“Pero alam naman natin na ang taong sobrang in-love, e, wala nang pagdadalawang-isip, sumusunod na lang siya sa gusto ng mahal niya. Lalo na kung mahirap pakisamahan ang guy, e, talagang papayag na lang siya sa kung ano ang gusto ng boyfriend niya, di ba?
“Matagal-tagal na ring may communication gap ang young actress at ang parents niya, hindi lang lumalabas ang mga ganap sa family nila, pero maraming makapagpapatotoo na hindi na nakikialam ang parents ng young actress sa mga decisions niya!
“Puwedeng sinawaan na sila dahil hindi naman sila sinusunod ng anak nila! Gustuhin man nilang maging maayos ang buhay ng anak nila, e, kung mas nananalo naman ang guy, wala na nga naman silang magagawa!
“Sana, magbalik-loob na sa parents niya ang girl, sayang ang mga opportunities na pinalalampas lang niya. Magulo ang takbo ng career niya ngayon, matindi ang kinakalaban niya, kung okey sila ng family niya, e, hindi sana ganyan ang kinahantungan ng career niya!” napapailing na pagtatapos ng aming source.
Aysus, bigay na bigay na kung sino ang young actress na ito, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, sa totoo lang!