Dingdong, Rocco isasabak sa giyera? Pwede naman yan, pamparami!

DINGDONG DANTES AT ROCCO NACINO

BUWIS-BUHAY ang naranasang military training ng Kapuso star na si Rocco Nacino at ng lahat ng gaganap na sundalo sa seryeng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) ng GMA 7.

Kasabay nito, in-announce rin kamakailan ang pagiging Petty Officer Third Class niya ng Philippine Navy matapos ang ilang buwang training. Pareho sila ni Dingdong Dantes na mga certified sundalo na ng AFP matapos namang ma-promote ang Kapuso Primetime King bilang lieutenant commander ng Navy.

Sa nakaraang presscon ng Descendants of the Sun, natanong namin si Rocco kung isasabak din ba sila sa giyera ngayong members na sila ng military force. Aniya, “Ibig nilang sabihin as a reservist, is to be one (war soldier). Puwede ‘yan, multiplier. Pamparami.

“Kapag acting civilians and being a reservist, is using our tools na alam namin i-apply. Kasi ako, nurse. ‘Kailangan namin ng nurse, puwede ka bang tumulong?,’ doon kami papasok. To help in terms of medicine, procedure, tulad ng ginagawa ni Dr. Beauty (Jennylyn Mercado sa Descendants of the Sun). ‘Yun ang ibig sabihin,” paliwanag ng binata.

Sa Pinoy version ng DOTS, gaganap si Rocco bilang si Technical Sergeant Diego Ramos kung saan makakatambal niya si Jasmine Curtis na gaganap naman bilang si Lieutenant Moira Defensor.

Iikot ang kuwento ng serye sa pag-iibigan ng isang Special Forces captain at isang doctor, sa gitna ng kanilang mga personal at propesyonal na suliranin na gagampanan nga nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado bilang sina Captain Lucas Manalo at Dr. Maxine dela Cruz. Magsisimula na ang DOTS sa Feb. 10 sa GMA Telebabad, ito ang papalit sa timeslot ng The Gift.

 

Read more...