Maja game makatambal si Gerald pero may kundisyon…

MAJA SALVADOR

GAME si Maja Salvador na makatrabaho uli ang ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Sa katunayan, naikuwento niya na sila raw sana ang magtatambal sa 2019 romcom na “Isa Pa With Feelings” na pinagbidahan last year nina Maine Mendoza at Carlo Aquino.

Sa pakikipagchikahan ni Maja sa ilang members ng entertainment media after ng mini-fashion ng Guital Apparel sa Robinsons Place Manila kung saan isa siya sa mga nag-perform, sinabi nitong walang problema sa kanya na makatrabaho si Gerald basta maganda ang materyal.

“Una kasi, tinanggap ko yun una wth JC Santos, then hindi pwede si JC. Tapos biglang Gerald daw, then okay lang din ako, hanggang hindi nagpush through yung project,” ani Maja na muli ngang nag-renew ng kontrata bilang endorser ng Guitar.

Nilinaw naman ng Kapamilya actress ang kumalat na balita na playing cupid pa rin siya kina Janella Salvador at Joshua Garcia na nakasama niya sa seryeng The Killer Bride. Sey ng dalaga, tinutukso lang niya ang mga ito dahil kinikilig siya sa tambalang JoNella.

“Boto ako as a love team dahil parehas may chemistry. Si Joshua naman kahit kanino mo siya i-pair malakas ‘yung magiging chemistry. Tapos si Janella nakita natin siyang mag-grow lalo na ‘yung sa acting niya, ang laki ng ni-level up ni Janella so parang di ba talagang parang ano sila ni Joshua,” chika ni Maja.

Kung matatandaan, inakala ng madlang pipol na magdyowa na sina Joshua at Janella matapos lumabas ang sweet photos at videos nila sa social media na kuha sa thanksgiving party ng The Killer Bride.

“Well you know, kung anuman ‘yung lumabas ng time na ‘yun, we are just having fun. Siyempre masaya kami dahil ang daming sumuporta ng show namin and nagsaya lang kami ng gabing iyon.

So kung may lumabas na video o kung ano, siyempre mauunahan ng malisya.

“But lahat kami friends and alam naman ng dalawa na fan ako nong dalawa bilang siyempre si Camila. Kasi in fairness don sa dalawa, ang lalim talaga ng friendship na kahit ano mang pagtutukso mo talagang wala. And then ‘yung party namin alam nilang maghihiwalay na, wala na kaming taping, so may extra sweetness pero hanggang ganoon lang,” lahad ni Maja.

Samantala, bilang bahagi ng 60th anniversary ng Guitar Apparel, mananatili pa rin si Maja bilang lead female ambassador ng clothing and underwear brand. Gumiling-giling si Maja sa ginanap na fashion show kaya napanganga na naman ang audience sa kanya, “I’m so grateful! Super happy for the renewal dahil another year para mag-grow kami together ng Guitar.”

Maja is very much excited to finally focus on collaborating with the brand, lalo na ngayong 2020 kung saan lalabas ang mga bagong design at style ng kanilang mga produkto, “Classic, parehong classic. Kahit matagal na sa industriya nandiyan pa rin, patibay nang patibay. Parang hindi nawawala sa panlasa ng mga Pinoy.”

Bukod kay Maja, nag-perform din sa Guitar Apparel fashion show ang dalawa pang celebrity endorser ng brand, sina Gloc9 at Carlos Agassi. Ang isa pang ambassador nito ay si Jake Cuenca para naman sa underwear line. For updates about their latest collection, follow Guitar on Instagram at @guitarapparel1960.

Read more...