Maine nakipag-bonding sa pamilya ni Arjo; nagturo ng ‘Tala’ dance craze

IBINANDERA ni Sylvia Sanchez sa buong universe kung paano nakipag-bonding sa pamilya nila ang girlfriend ni Arjo Atayde na si Maine Mendoza.

Kaninang umaga lang naganap ang pagsasama-sama ng pamilya Atayde sa kanilang tahanan kasama si Maine at iba pang kapamilya ni Ibyang at ng asawa nitong si Art.

Buong-tapang na ibinahagi ni Sylvia sa kanyang Instagram followers ang mga litrato nila pati na ang sweet moments nina Arjo at Maine.

Sa isang litrato ay makikitang nakahilig si Arjo sa kanang balikat ni Maine habang may tinitingnan sa cellphone.

Base sa comments ng netizens, pinanonood nina Maine at Arjo ang pagtuturo sa kanila ng dalaga ng “Tala” dance steps. Naaliw din daw si Sylvia dahil pati ang asawang si Art ay napasayaw din daw ni Maine ng “Tala.”

Makikita rin sa isang video na ipinost ni Sylvia ang paternal grandmother ni Arjo na si Pilar Atayde habang tinuturuan ni Maine ng “Tala” dance steps.

Narito ang caption ni Ibyang sa kanyang IG photos: “Yong ang saya lang ng monday morning ko na pinapanood ko ang pamilya ko, mamita pilar, gela at @marjso na tinuturuan ni maine mag tala lahat kami dito sa bahay [smile emoji].

“Coach @mainedcm thank you [smile emoji] at pinasaya mo kaming lahat sa kakulitan mong mapag tala kami haha ang cute mo maine at mahal ka ng buong pamilya dahil sa kabutihan mo at higit sa lahat nabully mo napahalakhak at napagtala mo ang asawa ko hahaha [hearts and kissmark emojis].

#family #happiness #blessing #bonding #dancingtala #priceless #goodvibes

#thankuLORD Happy morning [smile emojis],” mensahe pa ng award winning actress.

Ilang beses nang sinabi ni Sylvia na masaya siya sa relasyon nina Arjo at Maine at ayaw na niyang patulan ang mga bashers ng dalawa dahil ang mahalaga ay maligaya ang anak niya sa piling ni Maine. 

Read more...