SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na umabot na sa 80 katao ang pasok sa persons under investigation (PUIs) dahil sa novel coronavirus acute respiratory disease o 2019-nCoV ARD.
“Meron po tayong 80 pasyente na tinagurinang persons under investigation or PUIs para sa ating (We have 80 patients under investigation for) nCoV acute respiratory disease,” sabi ni Duque sa isang Duque III sa isang press briefing.
Idinagdag ni Duque na sa kabuuang 80 pasyente, 67 rito ang inilagay sa isolation sa iba’t ibang ospital samantalang 10 ang pinauwi na matapos magnegatibo sa virus.
“In the PUI count was the 29-year-old Chinese national from Yunnan, who was initially placed under observation for suspected 2019-nCoV ARD but died January 29 due to pneumonia although he was found negative for the new coronavirus,” dagdag ng Duque.
Meron umanong HIV ang biktima.