“FEBRUARY be good!”
Ito ang hiling at dasal ng lahat para sa Pilipinas kabilang na ang maraming showbiz celebrities.
Sunud-sunod kasi ang mga bad news sa unang buwan pa lang ng 2020. Nandiyan ang Taal volcano eruption, the sudden death of Kobe Bryant and her daughter Giana, at ang corona virus outbreak.
Eh, mabuti na lang, walang trahedyang dinanas ang ilang celebrities except sa mga namatayan ng mahal sa buhay.
Careful na lang ang karamihan ngayon dahil gumagamit din sila ng proteksyon para hindi dapuan ng corona virus.
So, no more beso-beso or hand shakes muna ang mga celebrity na nakagawian na sa showbiz. Nagbilihan na rin sila ng face mask para magamit sa mga taping at shooting. Mas mabuti na nga naman ang mag-ingat kesa magsisi sa huli.
Pati nga si Marian Rivera super-protekdo ang anak na sina Zia at Ziggy Dantes lalo na kapag nasa public places.
Nakikisalamuha sa mga tao si Zia kapag nasa school kaya naman may proteksyon siyang ginagawa at pag-uwi ng bahay lagi niyang ipinaaalala sa kanyang panganay ang paghuhugas ng kamay.
Better be safe than sorry, kaya maging protective sa kalusagan natin at mga mahal sa buhay!
* * *
Sunud-sunod na ang mga pasabog ng Kapuso network sa kanilang program sa first quarter pa lang ng2020.
Nagsimula ito sa Anak ni Waray Vs Anak ni Biday nina Barbie Forteza at Kate Valdez.
Ngayong gabi naman, ang nakaiintrigang pagsisimula ng bagong Kapuso family drama, ang Love of My Life. Dito, balik-TV nga ang magaling na aktres na si Coney Reyes.
By Feb. 10, ang inaabangang Philippine adaptation ng Korean Drama naman na Descendants of the Sun ang ihahain ng GMA starring Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado.
Ngayong Pebrero rin isasalang sa Afternoon Prime ang Bilangin ang Bituin sa Langit nina Nora Aunor, Mylene Dizon at Kyline Alcantara.
Sa trailer pa lang nito, inaasahan na ang mangyayaring acting showdown ng mga bida.
At kahit panghapon nga ito, talagang pang-primetime pa rin ang peg dahil sa naglalakihang members ng cast. Imagine, ang nag-iisang Superstar mapapanood sa hapon?
Ibig sabihin pati afternoon slots ngayon ay pabonggahan na rin. Big budget na rin ang inilalaan dito ng GMA.
Marami pang bagong programa ang ihahandog ng GMA Network sa mga susunod na buwan kaya abangers lang mga Kapuso.