Pulis patay matapos matamaan ng sariling baril

PATAY ang isang pulis matapos aksidenteng matamaan ng sariling baril sa Barangay San Juan, Palompon, Leyte ganap na alas-3:30 ng hapon noong Sabado.

Nasa loob si Police Staff Sergeant Maverick Clitar, 30, ng kanyang bahay nang mangyari ang insidente.

Sinabi ni Police Lt. Col Bella Rentuaya, spokesperson ng Eastern Visayas police, na nasa sala ang biyenang lalaki ng biktima nang marining ang putok ng baril.

Ayon pa sa ulat, nakahandusay na sa sahig ang pulis nang makita ng kanyang biyennang lalaki.

Nabaril si Clitar sa kaliwang pisngi.

Naniniwala ang mga imbestigador na aksidenteng pumutok ang baril. Inquirer.net

Read more...