Duterte nagpatupad na ng temporary ban sa lahat ng Chinese mula sa mainland China, Hong Kong at Macau
INIHAYAG ng Palasyo na inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon na magpatupad ng temporary ban sa lahat ng Chinese national mula sa mainland China at Special Administrative Regions nito na kinabibilangan ng Hong Kong at Macau.
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na batay sa direktiba ni Duterte kay Executive Secretary Salvador Medialdea, aprubado na ang isinumiteng rekomendasyon ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kaugnay ng ban sa pagpasok ng lahat ng Chinese sa bansa.
“With the safety of the Country and all persons within our territory as prime considerations, and upon further advise from the Department of Health that the virus has affected all regions of China, the President has immediately approved the following recommended guidelines of the Task Force: Temporarily banning the entry of any person, regardless of nationality, except Filipino citizens and holders of Permanent Resident Visa issued by the Philippine Government, directly coming from China and its Special Administrative Regions,” sabi ni Panelo.
Bukod pa rito, nagpatupad din ng ban ang pamahalaan sa mga banyagang nanggaling sa China, Hong Kong at Macau sa nakaraang dalawang linggo.
“A mandatory fourteen (14) day quarantine for Filipinos and Permanent Resident Visa holders coming from any place in China and its Special Administrative Regions,” ayon pa sa kautusan.
Nagpatupad din ng ban sa mga Pinoy na nais pumunta sa China, Hong Kong at Macau.
Sinabi ni Panelo na ipinag-utos din ni Duterte ang pagtatayo ng repatriation at quarantine facility.
Nakatakdang pamunuan ni Duterte ang pagpupulong ng Task Force on bukas.
“The Task Force was also given the authority, if necessary, to ban the entry of travellers from other areas with confirmed widespread 2019-nCOV ARD,” ayon pa sa kautusan.
“We assure the the Filipino people that the directives issued by the President as well as the protocols being implemented as well as succeeding ones are all geared for the safety of our countrymen and will last until the danger of the dreaded disease has ceased,” dagdag pa ni Panelo.
Muling nanawagan din ang Palasyo sa publiko na sundin ang payo ng Department of Health sa harap ng banta ng novel coronavirus.
“We reiterate the advice of the DOH to the public to observe strictly the measures undertaken on personal hygiene like regularly washing the hands and wearing surgical masks when going around crowded areas when one has coughs and colds or has a fever,” sabi pa ni Panelo.
Ito’y sa kabila naman ng walang mabilhang face masks sa mga botika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.